Wednesday, April 6, 2011

LESSON 001

Mga aral sa buhay: totoo! tagalog ako ngayon bakit? para muka ako alien dito.

inspire ako ngayon narealized ko kasi bakit ba may mga taong mahihina kung pwede naman maging malakas, bakit mahirap magpatawad depende ba ito sa sakit na naramdaman o sa sakit ng katotohanan? marami tayong tanong pero bihira lang ang may sagot.. ang mundo ay isang mahiwagang lugar pag hindi mo ito tinuklas mananatili kang mangmang sa sarili mo lugar.

Sa mga nakaraan taon marami akong naranasan na marahil ang iba ay hindi gugustuhin mangyari ng normal na tao. pero adik man ako sa paningin nyo nagpapasalamat ako dahil nangyari yun kasi dahil dun naging matatag ako kasing tatag ng narra na hindi na mabubuwal kahit ondoy at tsunami pa ang dumating.

nakakapagod minsan pero madalas natatawa nalang ako. sunod sunod kasi pero naisip ko mahal ako ni God kasi napapansin niya ko positibo dapat :)

puno ng trahedya ang 2010 ko sobrang dami happenings full pack kumbaga. mula umpisa hanggang matapos may happenings pa din. masasabi ko ako na pinakamasayang taong kasi nalagpasan ko lahat yun.

No comments: